Alamin: OFWs, paano makakukuha ng P1M livelihood grant sa OWWA?

  • 4 years   ago

Inilunsad  ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Tulong Puso Group Livelihood Program para matulungang makapagsimulang muli ang mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa Public Press Briefing sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na ang nasabing programa ay magkakaloob ng P150,000-P1 million livelihood grant sa kwalipikadong OFWs.

Ang paliwanag ni Cacdac, para makapag-avail ng programa kinakailangang:

• Bumuo ng pangkat o grupo ang OFWs na hindi bababa sa limang myembro na 80% sa kanila ay nawalan ng trabaho abroad dahil sa pandemya.

• Rehistrado din dapat ang grupo sa workers’ association ng DOLE o sa Securities and Exchange Commission, maliban sa mga dokumentong magpapatunay na nawalan sila ng trabaho abroad dahil sa COVID-19 at kinakailangan din nilang magsumite ng comprehensive business plans sa OWWA.

• Susuriin ding maigi ang business proposals ng OFWs at ang mga negosyo na katulad ng spa, salon, gym o fitness centers ay hindi muna papayagan sa ngayon.

Aniya pa, magiging mahigpit ang screening bago sila magkaloob ng livelihood grant nang sa ganon ang maging end goal ng mga interesadong OFWs ay magtagumpay sa bago nilang karera sa buhay.

“Three weeks ago nag-approve ang OWWA board chaired by Secretary [Silvestre] Bello III ng group livelihood. It’s a 500-M facility, it’s a [loan] grant P150,000 to P1 million ang maiga-grant natin,” Cacdac said in a Senate hearing led by the committee on labor.

 

 

“Batay sa karanasan, may malaki ang tyansa ng tagumpay kung grupo kaya ang pagapasyahan ng OWWA board ay i-encourage ang group livelihood program lalo na sa panahon ng pandemya, baka mas matibay ang negosyo kung grupo po sila,” ayon kay Cacdac.

Basahin din: 

Educational Assistance Para sa Mga Qualified na Anak ng OFWs

OWWA may pautang sa OFWs na nawalan ng trabaho

Source: Remate

Comments