Ano ang maitutulong ng BRIDGE program sa mga OFW na apektado ng pandemic?

  • 3 years   ago

Naglunsad ng programa ang Department of Foreign Affairs at United Nations na layong tulungan ang libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) na napilitang umuwi ng Pilipinas dahil sa global pandemic na COVID-19.

Tinawag ang programa na Bridging Recruitment to Reintegration in Migration Governance o BRIDGE, na ipatutupad ng pamahalaan ng Pilipinas.

“BRIDGE aims for a pronounced positive effect on human mobility. And that will be done by translating our four-decades worth of experience, good and bad, into improved migration policies and practices,” ayon kay Foreign Secretary Teodoro Locsin sa kaniyang talumpati sa virtual launch ng programa.

Nang magsimulang kumalat ang COVID-19 sa iba't ibang bahagi ng mundo, tinatayang 300,000 Pinoy sa abroad na umano ang umuwi sa Pilipinas.

Tinatayang 80,000 iba pang OFWs ang inaasahang darating sa bansa bago matapos ang 2020, ayon kay Locsin.

Sa kabila ng mga pagsubok, sinabi ni Locsin na matagumpay na naiuwi ng pamahalaan ng Pilipinas ang libu-libong OFWs sa pamamagitan ng mass repatriations at evacuation.

“When the pandemic came, our existing frameworks for migrants paid off,” anang kalihim. “You cannot argue with facts, with actual best practices.”

“I wouldn’t say a perfect model. We have our human traffickers; our manning agencies that throw ‘man’ overboard. But we’re better than a lot of others,” patuloy niya.

Ayon kay Locsin, kabilang sa mga layunin ng BRIDGE program ay tiyakin ang ligtas nilang pag-uwi, reintegration at magkaroon ng disenteng trabaho.

 

Nais din ng programa na alisin ang gender bias sa maibibigay na pagkakataon sa lahat ng OFWs.

Idinagdag ng kalihim na kailangan ng kooperasyon ng pamahalaan, private recruitment agencies at civil society partners para sa ikatatagumpay ng programa.

Kasama ng DFA at UN sa programa ang Department of Labor and Employment at mga ahensiya nito, OFW sectors, at civil society organizations.

Basahin din:

 

Source: GMA Network

Comments