Filipino Breaking News: Slapshock Lead Vocalist Jamir Garcia Nagpaalam Na

  • 3 years   ago

Pumanaw na ang tanyag na bokalista ng legendary rap metal/metalcore group na Slapshock, ayon sa mga ulat na lumabas ngayong Huwebes.

Sa araw na ito lamang (November 26, 2020), ang Slapshock vocalist Vladimir “Jamir” A. Garcia ay pumanaw na matapos umano itong magpatiwakal.

 Natagpuang walang buhay ang katawan ni Jamir Garcia sa kanyang bahay sa Brgy, Sangandaan, Quezon City.  Siya ay 42-anyos lamang.

Nakatanggap ang Quezon City Police District ng report na ang singer ay natagpuang binawian ng buhay.

Ang nasabing report ay kinumpirma na rin ng Quezon City Police District (QCPD), ayon sa ulat ng DZRH ngayong araw. Wala pa namang pahayag ang kanyang dating mga kabanda kaugnay ng insidente.

Ayon sa Facebook page Death Threat Production, dinala si Jamir Garcia sa Metronorth Hospital but declared dead-on-arrival by his attending physician Ermin Cabanela.

Ang Filipino heavy metal band Slapshock Frontman na si Jamir Garcia ay nagtrending online ngayon pagkatapos na ibinalitang pumanaw na ito sa edad na 42.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media dahil sa pagkawala ng naturang Pinoy metal legend, na siyang namayagpag noong dekada '90 at 2000s.

Ang Slapshock ay isa sa mga kilalang banda ng Pilipinas at sumikat din sa international arena dahil sa kanilang eargasmic music. Ang grupo ay nabuo noong 1997 as a Nu metal band at nag-shift ito ng metalcore style.

Huling bumisita si Jamir kasama ang buong grupo ng bandang Slapshock sa Qatar noong October 2018 para sa Pinoy Rakrakan Octoberfest Concert nito na ginanap sa Al Jawhara Ballroom Intercontinental - Doha.

Ang rock group ay binubuo ng mga members na sina Jamir Garcia (Lead vocals), Lee Nadela (Bass guitar), Lean Ansing (Lead guitar), Chi Evora (Drums), and Jerry Basco (Rhythm guitar, backup vocals). Nakatanggap sila ng maraming local and international awards at nominations.

Matatandaang sumikat ang kanyang grupo sa mga awitin gaya ng "Angent Orange," "Wake Up," "Misterio," "Direction" at marami pang iba na naging paboritong awitin ng maraming tagasunod ng Nu Metal at metalcore scene sa Pilipinas.

 

Basahin din:

Mga Dapat Tandaan Kapag Uuwi o Aalis ng Pilipinas Ngayong Pandemic

Gabay sa Mga Babalik ng Qatar Mula Pilipinas

Source: Philippine Star

Comments