May nakakuha na ba ng DOLE-AKAP financial assistance sa Qatar? Alamin dito

  • 4 years   ago

"May nakakuha na ba ng DOLE-AKAP financial assistance sa Qatar?"

Ito ang malaking katanungan ng karamihan sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Qatar na hindi pa naaambunan ny ayuda bunsod sa patong-patong na applications mula sa mga nais makatamasa nito ngayong panahon ng krisis bunsod ng coronavirus (Covid-19) pandemic.

 

 

 

Ano nga ba ang DOLE-AKAP? At, sinu-sino ang maaaring makatanggap nito?

Ipinatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Department Order No. 212 o DOLE AKAP para makatulong sa mga OFWs na nawalan o natanggal sa trabaho bunsod ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Sa tulong ng DOLE at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), makakatanggap ng Php 10,000 o $200 sa katumbas na currency kung saan naroroon ang mga kwalipikadong OFWs.

Matatandaang una naming ibinalita ang ilang OFWs mula sa iba't ibang panig ng mundo na magpapatunay na hindi fake news ang nasabing financial assistance, bagkus nakatanggap sila nito. Basahin ang kabuuang ulat dito:

Balitang OFW: DOLE-AKAP hindi fake news! Mga OFW nakatanggap na ng P10,000!

Sa isang post ng isang OFW sa Qatar sa social media, nagbigay ng kasagutan ang karamihan sa tanong na "mayroon na nga bang nakatanggap ng DOLE-AKAP cash aid?

Marami ang nagsabing hindi pa sila nakakakuha ng approval.

 

May iilan namang nagkumpirma na nakarating na sa kanila ang financial aid.

Sa dami ng nagkomento, nangingibabaw ang bilang ng wala pang natatanggap. Ang iba naman ay humihingi ng tulong o gabay sa kung papaano ang gagawin upang makakuha ng tulong pinansiyal sa DOLE-AKAP.

Sa nanuang balita ng Qatar Day, narito ang sunod-sunod na hakbang sa pag-apply sa financial assistance ng gobyerno:

Paano kumuha ng P10,000 mula sa DOLE-AKAP for OFWs program?

Usap-usapan ngayon ang issue na mayroong aberya sa pamamahagi ng ayuda sapagkat marami pa din ang hindi nakakakuha nito. Narito ang dahilan kung bakit hindi agad natutugunan ang mga application na natatanggap ng Philippine Government Officials hinggil dito:

Balitang OFW: Nag-apply sa DOLE-AKAP umabot na sa 250,000, subalit 150,000 lang sana ang bibigyan

Comments