OFWs exempted sa expanded travel ban

  • 3 years   ago

Ang mga nagsisiuwian o nagbabalik na Overseas Filipino workers (OFWs) sa Pilipinas ay maaaring makapasok ng bansa sa kabila ng travel ban na ipinatupad ng gobyerno para sa mga travelers mula sa mga bansa kung saan naiulat na mayroong bagong coronavirus variant. Ito ang naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ngayong araw na ito.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Bello na ang nasabing deriktiba ay inapubrahan ng Pangulong Rodrigo Duterte nang nakatanggap ito ng travel ban recommendation.

“Our president said, ‘Our OFWs should be allowed to return’,” dagdag ni Bello.

Gayunman, ayon sa Cabinet official, ang mga returning OFWs ay sasailalim sa 14-day quarantine kahit nagnegatibo sila sa COVID-19.

Ipinahayag din ni Bello na mayroong humigit-kumulang 60,000 to 100,000 OFWs na inaasahang magbalik ng Pilipinas.

Pinalawig pa ng Philippine government ang travel ban sa 20 countries bunsod ng banta ng bagong coronavirus variant na unang nadiskubre sa United Kingdom. 

Lahat ng passengers na galing sa mga sumusunod na bansa ay HINDI pinahihintulutang makapasok ng Pilipinas:

• United Kingdom

• Switzerland

• Denmark

• Hong Kong

• Singapore

• Ireland

• Japan

• Germany

• Australia

• Iceland

• South Africa

• Italy

• Israel

• Spain

• Netherlands

• Lebanon

• Canada

• Sweden

• France

• South Korea

Ang mga flights mula sa mga bansang ito ay suspended mula bukas December 30, 2020 hanggang January 15, 2021.

Ang mga pasaherong nakapag transit na o nanggaling na sa mga flagged countries within 14 days from entry into the Philippines at nakarating bago mag-December 30, 2020, ay pinapayagang makapasok subalit sila ay sasailalim sa strict quarantine at testing protocols abilang ang mandatory14-day quarantine sa kabila ng nakuhang negative RT-PCR result. 

 

Basahin din:

Free COVID-19 Test Para sa OFWs at Dependents Mula Dec. 21-31 Hatid ng PAL

 

Source: GMA Network

Comments