Paano Ipinagdiriwang ng mga OFW ang Pasko sa Qatar?

  • 3 years   ago

Ipinarating ng Embahada ng Pilipinas sa Qatar ang pagbati nito sa mga Overseas Filipinos ngayong pagdiriwang ng kapaskuhan sa bansa.

The Philippine Embassy in Doha wishes you a joyous holiday season. Stay safe and healthy!

Ibinahagi din ng Embassy ang mga paintings mula sa 30 artwork entries ng Doha-based Filipino artists na nakilahok sa virtual art exhibit ng Philippine Embasy, sa pakikipag-ugnayan ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA).

Ang exhbit ay pinamagatang "Painting the New Normal." Ayon sa Embahada, ang exhibit ay handog ng embahada sa lahat ng medical frontliners para sa kanilang malaking ambag sa pagsugpo ng coronavirus (COVID-19).

Panoorin ang video na ito tungkol sa pagdiriwang ng mga OFW sa mga family celebrations nito sa Qatar sa kabila ng pandemic:

Maari bang ipagdiwang sa Qatar ang Pasko o Christmas?

Ang Qatar ay isang Muslim country na may 2.7 million population as of 2018. Ang bansa ay hindi nagdiriwang ng mga religious holidays na walang kaugnayan sa Islam sa kabila ng pagiging tahanan ng mahighit 190 different nationalities mula sa buong mundo.

Kahit anong walang kinalaman sa Ramadan, Eid, Sport Day, o National Day ay hindi ipinagdiriwang o palihim na ipinagdiriwang hindi lamang sa Qatar, kundi pati na rin sa mga neighbouring countries sa Middle East.

Dahil hindi ito tinuturing na public holiday, ang mga Christians na around 20% of Qatar's population — are mostly celebrating it in private.

Ang December 25th dito sa Qatar ay isa lamang ordinaryong araw, subalit maaring ipagdiwang ang okasyon sa buong mundo. Hindi man pareho ang paggunita ng Christmas sa Pilipinas at dito sa Qatar, maraming mga hotel sa Doha na may special events, ang iba sa kanila ay may inaalok a special Christmas Eve meals. Marami ding mga Pinoy ang nagkakaroon ng salu-salo para ipagdiwang ito.

Maari bang maglagay ng Christmas symbols at decorations sa inyong tahanan dito sa Qatar?

May ilang mga hotel sa Doha na nagkakaroon ng events katulad ng 'Christmas Tree Lighting' dito. Marami ding mga Christmas decorations na mabibili sa mga shops at malls sa bansa.

Mayroon din bang Simbang Gabi?

Kung ikaw ay Katoliko, may mga traditional midnight masses ang Qatar — kailangan mo lang i-check ang schedule. Ang Catholic Church of Our Lady of the Rosary ay isang Roman Catholic church sa Doha. Ito ay nasa Religious Complex ng Abu Hamour at madalas na may misa para sa paggunita ng pasko.

Dahil hindi masyadong lantaran ang pagdiwang ng pasko dito sa Qatar, may ilang nagsasabing ipinagbabawal ang singing of Christmas carols sa mga bahay-bahay o pamamasko sa pampublikong lugar. Additional info lamang: Bawal ang pamamalimos dito sa Qatar ayon sa Article 1 of Law No. 28 of 2006.

Whoever begs in roads or public places, leads or encourages minors to beg shall be punished with imprisonment for a term up to one year. Kukumpiskahin ang inyong perang nakolekta at pagmumultahin kayo.

Sa ngayon, naging bukas din ang Qatar para sa okasyon dahil sa pagtangkilik nito sa kultura at tradisyon ng mga expatriates. Sa katanuyan, may mga ilang kumpanya na nagbibigay ng holiday leave para sa mga Filipino.

Narito ang advisory na inanunsiyo ng Embahada ngayong holidays:

Philippine Embassy sa Qatar Sarado Bukas - Dec. 24 Para sa Holidays

 

Basahin din:

Free COVID-19 Test Para sa OFWs at Dependents Mula Dec. 21-31 Hatid ng PAL

Comments