Philippine Embassy in Qatar - May Online Seminar sa Soil-Free Hydroponic Farming!

  • 3 years   ago

Gusto mo bang matutong magtanim sa inyong sariling tahanan nang hindi ginagamitan ng lupa?

Wala ba kayong masyadong malaking espasyo sa inyong bahay? Walang mainam na supply ng lupa? Huwag mabahala.

Karamihan sa mga Pinoy sa Qatar ang nagnanais na magkaroon ng malaking taniman, subalit dahil sa limitado ang espasyo at supply ng buhangin sa kani-kanilang mga tirahan, may ilan na nag-aaral na matuto sa hydroponics farming.

Layunin ng Embahada ng Pilipinas sa Qatar na maihatid sa Filipino community sa bansa ang teknolohiya ng hydroponics, kaya't naglunsad ito ng online seminar para sa mga nais matuto sa modernong sistemang ito. 

Ang Sustainable Living Through Farming Virtual Training ng Philippine Embassy in Qatar ay gaganapin sa December 18, 2020, 10:00 AM. Inaanyayahan ng Embahada ang mga interested participants na mag-register sa https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScPBLk6an3RfCPQLvopmHj6DqtThTGdSb1r-jzcqSLxrhCvFA/viewform

May limitadong slots lamang ito. Ang registration ay hanggang December 14, 2020 lamang.

Ano ang Hydroponics?

Ang hydroponics ay isang modernong paraan ng pagpapalaki ng halaman na hindi gumagamit ng lupa. 

Kapalit ang lupa, gumagamit ito ng hydroponics mineral nutrient solution upang bigyang sustansya ang mga halaman upang sila ay lumaki.

"Hydroponics is the process of growing sand, gravel, or liquid, with added nutrients but without soil."

Ano ang mga Benepisyong Hatid ng Hydroponics?

Mas mabilis ang pagtubo ng mga halaman sa hydroponic system kumpara sa lupa. Mas marami din ang maaani dito. Mas kaunti ang ginagamit na tubig at hindi kinakailangan ng pesticides.

 

Ano ang mga Kakailanganin sa Hydroponics

Ang mga materyales na gagamitin ay makikita lamang sa inyong bahay. Maari ding gumamit ng recycled items.

Sa hydroponics farming, maaring magpalaki ng mga halaman sa malilit na espasyo, maiksing panahon at maliit na puhunan. Ito ay angkop sa home-based vegetable production o small-scale commercial vegetable production.

Source: Philippine Embassy in Qatar

Comments