Philippine Embassy sa Qatar Sarado Bukas - Dec. 24 Para sa Holidays

  • 3 years   ago

Nagpalabas ang Embahada ng Pilipinas sa Qatar ng Embassy Circular No ALT-57-2020: Holidays in December 2020 para sa pansamantalang pagsasara nito bilang pagdiriwang sa Philippine Holidays.

Pagkatapos nitong gunitan ang Qatar National Day, bukas, Dec. 24, 2020 ay muling magsasara ang embahada sa publiko bilang special non-working day.

Magsasaramg muli ang pintuan ng embahada sa Dec. 30, bilang pagdiriwang sa Rizal Day at Dec. 31 bilang last working day of the year.

Ang mga passport applicants na may appointment bukas Dec. 24, ay pinayuhang magpunta sa embassy during office hours (7:00 am hanggang 16:00 PM) mula Dec. 27 to 29 para magproseso sa kanilang applications.

Muling magbubukas ang embassy sa regular offie timings nito pagkatapos ng nabanggit na holidays.

Narito ang advisory para sa mga contact details na maaring tawagan kapag nais makipag-ugnayan sa embahada.

 

 

Basahin din:

OFWs sa Qatar kasama sa mabibigyan ng free COVID-19 vaccine

Sa OFW remittances fee discount, pera padala tataas ang halaga!

Source: Philippine Embassy in Qatar

Comments