Philippine Embassy sa Qatar tumatanggap na ulit ng DOLE-AKAP applications

  • 4 years   ago

Muling nagbubukas ang pintuan ng Embahada ng Pilipinas sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nais mag-apply sa "DOLE-AKAP for OFWs Program."

Ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Department Order No. 212 o DOLE-AKAP upang matulungan ang mga OFWs na nawalan ng pamumuhay o natanggal sa trabaho bunsod ng Covid-19 krisis.

Sa tulong ng DOLE at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), makakatanggap ng Php 10,000 o $200 sa katumbas na currency kung saan naroroon ang mga kwalipikadong OFWs.

 

 

 

Ayon sa Embassy Advisory No. ALT-33-2020, ipinahayag ang pagpatuloy ng operations ng embassy sa application process ng mga OFW sa nasabing cash assistance.

Dagdag pa ng embahada, ang applications ay kailangang ipadala sa official website ng Philippine Overseas Labor & Office (POLO) https.//www.polodoha.com.ph/. Para sa mga direktang magtutungo sa POLO office o magpapadala ng email ay hindi tatanggapin.

Sa kasalukuyan, ang bibigyan lamang ng priority ng kinauukulan ay ang mga applications mula April 9 to 20. Pagtutuonan ng pansin ng mga opisyal ang mga follow-up calls ng mga OFWs na may successfully submitted applications sa nasabing mga petsa lamang. Subalit, ang mga ito ay hindi pa dapat na-notify ng Philippine Overseas Labor & Office.

Sa mga aplikanteng nagsubmit mula April 21 hanggang May 11, 2020 ay hindi pa kinakailangang tumawag o magfollow-up sa POLO, sapagkat magpapadala ito ng mga notices sa bawat isa sa kanila pagkatapos ng evaluation at approval o pagkansela sa applications. 

Kapag ang aplikante ay hindi pa nabigyan ng update, nangangahulugan itong nasa evaluation process pa ang kanyang application o kailan pang suriin dahil sa dami ng pending applications.

Lahat ng applications na ipinadala mula sa araw na ito ay nasa waiting list at under process depende sa availability ng funds.

Upang malaman ang mga requirements para mag-apply sa programa, basahin ang kabuuang detalye dito:

Basahin ang mga gabay sa ibaba upang malaman ang karagdagang detalye sa pagkuha ng financial aid application:

Paano kumuha ng P10,000 mula sa DOLE-AKAP for OFWs program?

Narito rin ang iba pang impormasyon:

OWWA nagpalabas ng patnubay ukol sa DOLE-AKAP for OFWs

Comments