Returning Filipinos 'Kailangang Mag-14 Day Quarantine' Pagkatapos Magpabakuna o Kumuha ng Swab Test

  • 4 years   ago

Ang mga returning Filipinos na nakapagbakuna na ng coronavirus (COVID-19) vaccine o nag-negatibo sa swab test result ay sasailalim pa rin sa mandatory 14-day quarantine upon arrival sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Bureau of Immigration ngayong Linggo, January 3, 2021.

Bago pa lamang pinalawig ng Pilipinas ang travel restrictions sa 21 territories upang masugpo ang paglaganap ng mas nakahahawang coronavirus variant.

Alinsunod sa bagong regulasyon ng bansa sa pagbabyahe ngayon, ang lahat ng pasahero, maliban sa Filipino nationals, na umalis o nanggaling sa mga sumusunod na lugar sa nakaraang 14 days before scheduled arrival ay HINDI pinapayagang makapasok ng Pilipinas simula December 30, 2020 hanggang January 15, 2021:

1. United Kingdom ​

2. United States (effective January 3, 2021)

3. South Africa ​

4. Switzerland ​

5. Italy ​

6. Denmark ​

7. Israel ​

8. Hong Kong, SAR​

9. Spain ​

10. Ireland ​

11. The Netherlands ​ ​

​12. Singapore ​

13. Lebanon ​

14.Japan ​

15. Canada ​

16. Germany ​

17. Sweden ​

18. Australia ​

19. France ​

20. Iceland ​

21. South Korea

Marami sa mga bansang kasama sa listahan, katulad ng US at UK, ay nagsimula ng kanilang COVID-19 vaccination programs.

"Sa ngayon po, wala pa po tayong guidelines with regard to that (those already vaccinated). Even yung mga nagpapakita ng negative RT-PCR test, they would still have to undergo the quarantine period, (at) kahit yung mga nabakunahan ngayon," ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval ng ABS-CBN's TeleRadyo.

"We’re taking our cue po from the IATF (Inter-Agency Task Force against COVID-19). If they see there’s a need to adjust the policies already following this development, we’ll be ready naman po to comply," dagdag ni Sandoval.

Ang mga Filipinos na nag-layover sa 21 areas kung saan ipinatupad ng Manila ang travel restrictions ay maaaring pumasok sa Pilipinas but will also have to undergo quarantine, Sandoval said.

"Kung galing lang po sila doon sa 21 countries at nag-layover po, meaning di po sila lumabas ng airport, hindi sila cleared ng immigration dun at merely nag-transit po, pwede na po sila papasukin ng bansa. But they would still have to undergo po the regular procedures ng ating one-stop shop," ayon sa kanya.

"They need to be swabbed, yung RT-PCR test natin. At saka, meron din pong quarantine period... Pwede na po doon na lang sa kanilang mga bahay, mag-home quarantine if negative po ang result ng RT-PCR nila," dagdag pa nito

Ang mga Foreign spouses at mga anak ng Filipino nationals na may history of travel sa isa sa mga 21 areas ay hindi makakapasok sa Pilipinas, dagdag pa ni Sandoval.

"If traveling with a foreign national, their spouse or children, but nanggaling sa 21 countries, kahit po may travel history sila dun within 14 days, hindi po papapasukin yung foreign national dito po sa bansa," ayon sa kanya.


Basahin din:

Bagong Travel Policy sa Pinas: Gabay sa mga Pinoy at OFWs na Magbyabyahe Ngayon

OFWs exempted sa expanded travel ban

Free COVID-19 Test Para sa OFWs at Dependents Mula Dec. 21-31 Hatid ng PAL


Paano mag-apply sa 'Tabang OFW' Scholarship Program? Alamin dito

Source: ABS-CBN

Comments