Ano ang bagong 'Uwian Na' program ng OWWA at paano ito makakatulong sa mga OFW?

  • 4 years   ago

Hinimok na magparehistro ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa ilalim ng quarantine at nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa portal na idinisenyo upang ayusin ang kanilang flight pabalik sa kani-kanilang mga lalawigan, ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Miyerkoles, Mayo 20.

Sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac na maisasagawa ang online registration sa pamamagitan ng uwianna.owwa.gov.ph, na naglalayong pabilisin ang pag-aayos sa biyahe ng mga Filipino worker.

“It’s a registration procedure for those with negative polymerase chain reaction (PCR) results and are in OWWA quarantine facilities for faster arrangement of their transportation back to their homes,” paliwanag nito sa isang video na ipinost sa kanyang Facebook account.

 

 

 

Ani Cacdac, makakatulong ito sa kanila upang i-grupo ang OFWs base sa destinasyon ng mga ito at upang tukuyin ang hotel kung saan nananatili ang mga ito.

“For faster booking of charter flights, and to group them based on the areas they are headed to. The purpose of this is to expedite the process,” saad pa niya.

Dapat kabilang sa listahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang OFW repatriates na nagnegatibo sa real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) tests at nasa hotel na ibinigay ng OWWA ang mga kwalipikadong OFW.

Inilunsad aniya ang portal nitong Miyerkoles at kasalukuyang sumasailalim sa pilot-testing.

“Please also give us this entire day to go through a pilot-testing phase of the portal. But feel free to already use it and register,” pahayag niya.

Siniguro rin ni Cacdac sa mga OFW na nakikipagtulungan sila sa Philippine Red Cross para sa mga resulta ng kanilang pagsusuri.

Basahin ang karagdagang impormasyon tungkol sa proseso dapat sundin ng OFWs kapag uuwi ng bansa:

Uuwi ka ba ng Pinas dahil sa pandemic? Narito ang mga dapat mong malaman

Sa mga nagnanais na umuwi ng Pilipinas ngayong kasagsagan ng pandemic, narito ang ilang gabay:

Gusto mo bang umuwi ng Pinas ngayong Covid-19 pandemic? Ito ang iyong dapat gawin

Source: Remate

Comments