DOLE-AKAP applications pansamantalang ipinatigil, programa naubusan ng pondo

  • 4 years   ago

Pansamantala munang ipinapahinto ang submission ng DOLE-AKAP applications sapagkat humihingi pa ng dagdag pondo ang naatasang local officials sa financial assistance distribution, bilang tulong ng gobyerno sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) ngayong panahon ng coronavirus (Covid-19) pandemic.

Nagpalabas ang Embahada ng Pilipinas sa Qatar ng Advisory No. ALT-31-2020 hinggil sa Temporary Suspension ng DOLE-AKAP applications sa bansa.

 

 

 

Ipinahayag nI Ambassador Alan Timbayan na magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda kapag maaprubahan na ang additional fund request ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa apila nitong dagdag pondo sa Department of Budget and Management (DBM).

Ipinatupad ng DOLE ang Department Order No. 212 o DOLE-AKAP para makatulong sa mga OFWs na nawalan o natanggal sa trabaho bunsod ng Covid-19 krisis.

Sa tulong ng DOLE at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), makakatanggap ng Php 10,000 o $200 sa katumbas na currency kung saan naroroon ang mga kwalipikadong OFWs.

Subalit, may nakakuha na ba ng nasabing ayuda? Upang malaman, basahin ang ulat na ito:

May nakakuha na ba ng DOLE-AKAP financial assistance sa Qatar? Alamin dito

Kapag muli nang buksan ang online access sa financial aid application, sundin lamang ang mga hakbang na nakasaad dito:

 

Paano kumuha ng P10,000 mula sa DOLE-AKAP for OFWs program?

Narito ang ipinalabas na anunsiyo ng Embahada:

Comments