DOLE naglatag ng bagong sistema sa mga OFW na uuwi ng Pilipinas

  • 4 years   ago

Magpapatupad ng bagong sistema sa pagproseso ng mga nagbabalik  overseas Filipino workers (OFWs), ayon sa  Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang returning OFWs ay kailangan nang magsumite ng kanilang mahahalagang impormasyon bago sila  umalis sa panggagalingang bansa.

Ayon kay Bello, batay sa bagong protocol ng  Inter-Agency Task Force (IATF), sa  returning OFWs, na kailangan na nilang ipaalam sa DOLE limang araw bago ang kanilang pag-alis o departure upang maitala ang kanilang mga pangalan, kasanayan at pinal nilang destinasyon kung saan iaabiso naman ito sa local government units.

 

 

 

Dagdag pa ni Bello na sa sandali namang dumating sa bansa ang OFWs sila ay agad na sasailalim sa polymerase chain reaction (PCR) testing.

Sa loob ng isa hanggang dalawang araw aniya ay makukuha na ang resulta  kung sila ay negative o positive sa COVID-19 saka sila papayagan na magtungo sa kanilang pinal na destinasyon.

Sinabi ng kalihim na nasa 16,000 OFWs ang inaasahang darating sa bansa  ngayong buwan.

Nauna rito, iniulat ng DOLE na mayroong 321,000 mga Pilipino sa ibang bansa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic

Ang mga manggagawa na ito ay mga natanggal sa trabaho o kaya ay hindi pa nagrereport sa trabaho dahil sa quarantine.

Sa huling datos nitong Lunes, nasa 42,298 OFWs na ang nakabalik sa kanilang mga probinsya.

Sila ay binigyan ng transportasyon pabalik  sa kanilang lugar sa pamamagitan ng barko, bus at eroplano.

Narito ang iba pang ulat tungkol sa mga OFW:

Dalawang kumpanya nag-aalok ng 8,000 trabaho sa mga umuwing OFW sa Pinas

3 OFWs na positibo sa Covid-19 nagtungo sa POLO office, Philippine Embassy sa Qatar agad nagpatupad ng bagong safety measures

Source: Remate

Comments