Livelihood program ng OWWA para sa OFWs na apektado ng Covid-19, ipagpapatuloy na

  • 4 years   ago

Ipagpapatuloy na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang livelihood program nito para sa distressed Ooverseas Filipino workers (OFWs) na bumalik sa kanilang mga probinsya dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak, ayon sa administrator nito ngayong Martes, Mayo 26.

“With the return of our dear OFWs to their home regions/provinces, Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III has directed the resumption of the OWWA ‘Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay’ Livelihood Program for returning distressed OFWs-OWWA members,” saad ni Hans Leo Cacdac sa isang Twitter post.

Isang package ng livelihood support ang programa upang magbigay ng immediate relief na aabot hanggang P20,000 sa returning member-OFWs bilang pagsisimula o karagdagang kapital para sa livelihood project.

 

 

 

Samantala, umapela si Cacdac sa local government units (LGUs) na tanggapin ang mga bumabalik na manggagawa sa kanilang mga hometown dahil nami-miss ng mga ito ang kanilang mga mahal sa buhay matapos ma-quarantine ng nasa dalawang linggo.

“Dear LGUs: After (two-and-a-half) months of ECQ (enhanced community quarantine), we should have already learned that family reunification rises above anything. Our returning OFWs are Covid-19-free with DOH (Department of Health) certifications to that effect. Please accept them home,” dagdag pa niya.

Nitong Lunes, sinabi ng DOLE na nasa 24,000 OFWs na nagnegatibo sa COVID-19 ang pauuwiin na sa kanilang mga tahanan sa susunod na tatlong araw.

Ayon sa ahensya, aayusin nito ang land, sea, at air transportation ng 8,000 na indibidwal kada araw.

Ito ay pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin na sa kani-kanilang mga tahanan ang OFWs na nananatili pa rin sa quarantine facilities sa kabila ng pagkumpleto ng mga ito sa 14-day mandatory quarantine.

Narito ang iba pang mga balita tungkol sa mga OFW:

Uuwing OFWs sa Pilipinas, pwedeng dumiretsyo sa ilang probinsya

President Duterte binigyan ng 1 linggo ang local officials na pauwiin ang 24,000 quarantined OFWs

Source: Remate

Comments