Malacañang, kinalampag ang OWWA sa ulat na walang makain at pambayad renta ang OFWs na nasa ibang bansa

  • 4 years   ago

Ipinaalala ng Malacañang sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mandato nitong masigurong natutulungan at naibibigay ang mga pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa iba't-ibang bansa.

Napaulat kasi na marami sa mga OFWs sa ibayong dagat ang nahinto sa pagtatrabaho dahil sa coronavirus disease o (COVID-19 kaya’t wala nang pang bayad sa nirerentahan nilang bahay at yung iba ay umaasa na lamang sa ibibigay sa kanilang pagkain ng kapwa nila OFWs.

 

 

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, malaki ang naitutulong ng mga remittances ng mga ofw sa ekonomiya ng bansa kaya't ngayon na sila naman ang may pangangailangan, obligasyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng OWWA na siguruhing mayroon silang maayos na natutulugan at may sapat at masustansyang mga pagkain.

Kaya nga aniya ay hindi na kailangan pang ipag-utos ng Chief Executive ang pagbibigay tulong sa mga OFWs dahil dapat lamang aniya na alam na ng owwa at ng mga labor attaches kung bakit binuo ang kanilang mga tanggapan.

Narito ang iba pang ulat tungkol sa mga OFW:

‘Hatid Probinsya para sa mga OFW’ program ng pamahalaan, nagpapatuloy

Livelihood program ng OWWA para sa OFWs na apektado ng Covid-19, ipagpapatuloy na

Source: Remate

Comments