Mga Pinoy na nais mag-abroad ngayong pandemic, pinayagan nang makaalis ng Pinas

  • 4 years   ago

Samantalang hindi mahuluhang karayom ang dami nang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagsisipag-uwian sa Pilipinas bunsod ng krisis na dala ng coronavirus (Covid-19) saan mang panig ng mundo, marami pa din ang may hangaring makipagsapalaran sa abroad.

Sa nakaraang ulat ng Qatar Day, Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), Libu-libong OFW, patuloy ang pag-uwi sa Pinas bunsod ng Covid-19.

 

 

 

Nabalitaan ring hindi na magkanda-ugaga ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa paghahanap ng quarantine facilties para sa mga OFW na patuloy ang pagdagsa sa bansa dahil sa kawalan ng income o trabaho sa abroad.

Ito ang kabuuang ulat hinggil dito:

OWWA, nahihirapang maghanap ng quarantine facilities para sa nag-uuwiang OFWs

Pinayagan na ng gobyerno ang deployment ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s  maliban sa mga healthcare professionals.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque binigyan na ng go signal ang land based at sea based ofws na makapag trabaho abroad bagamat kailangang magsumite ng declaration na batid nila ang mga panganib na dulot ng coronavirusdisease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inatasan na rin ang mga tanggapan at ahensya ng gobyerno na nag po proseso ng papeles ng mga OFW na magtayo ng green lanes para sa mabilis na deployment ng mga nasabing OFW’s.

Source: Dwiz882AM

Comments