Mga trabaho sa BPO, available para sa mga umuuwing OFW – DOLE

  • 4 years   ago

Available para sa mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW) ang mga trabaho sa business process outsourcing (BPO) industry, lalo na sa mga may background sa information technology at healthcare, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na nagtutulungan ang ahensya at ang IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) upang tumulong sa reintegration ng OFWs at punuin ang demand para sa mas maraming demand para sa manpower sa BPO industry.

 

 

 

Tinanggap din niya inisyatibo ng IBPAP at siniguro ng mga ito ang suporta ng ahensya sa pangangasiwa sa matching sa pagitan ng mga employer at naghahanap ng trabaho.

“The DOLE will provide the database of OFW returnees who are interested or who are qualified for the job vacancies,” aniya.

Samantala, magsasagawa ng career marketing activities, initial screening, at job matching ang IBPAP mula Agosto hanggang Nobyembre.

“We are gearing towards virtual job caravans for easier matching between jobseekers and employers,” dagdag pa niya. 

Basahin ang iba pang ulat tungkol sa mga OFW:

Makakauwi ba ng Pilipinas at makakabalik ng Qatar? Alamin dito

Dalawang kumpanya nag-aalok ng 8,000 trabaho sa mga umuwing OFW sa Pinas

Source: Remate

Comments