Proseso sa pagkuha ng mga OFW sa quarantine certificates mas pinabilis na

  • 4 years   ago

Mas pinabilis na ang pagkuha ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ng kanilang quarantine certificates.

Ito ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay kasunod nang paglulunsad ng online processing ng quarantine certificates ng Philippine Coastguard katuwang ang Bureau of Quarantine.

Ang quarantine certificates ng OFW ay maaaring ma proseso sa quarantinecertificates.com at kailangan lamang mag fill-up ng form at mag upload ng required attachments.

Pagkatapos nito ay ipapadala ang digital copy ng BOQ quarantine certificate sa email address ng ofw at kapag natanggap na ay kailangang i-verify ito sa kaparehong website.

Kapag na-verify na dapat makipag-ugnayan ang OFW sa PCG, BOQ o sinumang tauhan sa OWWA sa quarantine facility o hotel kung saan nananatili para maayos ang biyahe patungong probinsya.

Narito ang iba pang ulat tungkol sa OFW:

18 OFWs sa Saudi, nawalan na ng trabaho, pinalayas pa sa tinitirhan

OFWs at non-OFWs kailangan pa rin i-quarantine bago umuwi ng probinsiya

Source: Dwiz882AM

Comments