Sa OFW remittances fee discount, pera padala tataas ang halaga!

  • 4 years   ago

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang magbibigay ng diskuwento sa remittances fee sa perang ipinapadala ng mga Overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Sa botong 224 pabor at walang pagtutol ay pasado na ang House Bill 7951, sa ilalim ng panukala, ang bank at non-bank financial intermediaries ay magbibigay ng 50% discount sa remittance fee.

Ayon kay Pampanga Rep Aurelio Gonzales, malaking bagay para sa mga pamilya ng OFWs ang matitipid sa remittance fee.

“Ang taas ng mga charges na ipinapataw ng mga financial at non-bank finacnial institutions sa remittances, kapag naisabatas itong diskuwento sa remittance fee ay malaki ang matitipid ng ating mga OFWs na ang budget ay magagamit pa sa iba gaya ng sa pambili ng pagkain” pahayag ni Gonzales.

Sa ilalim ng amendments na inilatag ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ay inaatasan ang mga financial at non-bank financial intermediaries na otomatikong bigyan ng 50% discount sa service fee ang money remittances na ipinapadala ng mga OFWs habang sa panig ng mga financial at non-bank institution ay maari silang humingi ng kaltas na buwis sa gobyerno bilang kapalit ng kanilang discount na ibibigay sa mga OFWs.

Hindi naman dapat lalagpas sa P24,000 kada OFW ang ibabawas sa gross income ng mga establisimyentong nagbibigay ng discounts sa remittance fees sa bawat taxable year.

Para matiyak na masusunod ang remitatnce discount ay nakapaloob sa panukala na ipinagbabawal ang biglang pagtataas sa singil ng remittance charges sa lahat ng mga financial at non-bank intermediaries kung saan kailangan munang dumaan sa konsultasyon sa Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Basahin din:

Paano Makakatulong ang 'Department of Overseas Filipinos' (DOFil) sa mga OFW?

Paano mag-apply sa 'Tabang OFW' Scholarship Program? Alamin dito

Pacquiao May Bagong 'PacPay' App Para sa OFWs Ngayong 2021

Source: Remate

Comments