8 sa halos 100 buntis na OFWs, nanganak na habang nakatengga sa quarantine facilities —OWWA

  • 4 years   ago

Walo sa halos 100 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na buntis ang nanganak na habang nanunuluyan sa quarantine facilities at naghihintay ng resulta ng kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac ngayong Lunes, na inaalagaan na at patuloy na inaalalayan ng mga midwife at mga nars ang mga bagong panganak na ina.

“Kanina lang, naka-meeting ko ‘yung mga midwife, nag-uulat sila sa akin ng mga dinalaw nila. Meron tayong ganun para mabigyan ng payo at kaukulang atensyon ang mga buntis,” ani Cacdac.

“Marami sila halos aabot ng isang daan. Tapos, walo na ‘yung nanganak.”

 

 

 

Inabisuhan naman ang mga bagong panganak na ina na manatili pa ng isang buwan sa quarantine facility at maghantay ng rekumendasyon sa doktor bago pa makaluwas papunta sa kanilang mga tahanan.

Matatandaang marami pa rin ang nakatenggang OFWs sa mga quarantine facility kahit matagal nang natapos na magpakuha ng COVID-19 test dahil hindi pa nailalabas ang resulta maging ang sertipikasyon mula sa Department of Health’s Bureau of Quarantine (BOQ) para makaalis ang mga ito.

Ngayong araw lang ay iniatas na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa concerned agencies na madaliin na ang proseso sa pag-papauwi ng mga nakatambay na 24,000 OFWs.

Basahin ang iba pang ulat ng Qatar Day tungkol sa mga OFW dito:

Uuwing OFWs sa Pilipinas, pwedeng dumiretsyo sa ilang probinsya

President Duterte binigyan ng 1 linggo ang local officials na pauwiin ang 24,000 quarantined OFWs

Source: Remate

Comments