Ano ang masasabi mo sa usap-usapang 'wala nang mandatory quarantine' para sa returning OFWs?

  • 4 years   ago

Ayon sa isang ulat ng Daily Tribune sa Pilipinas, ibabasura na ang panukalang 14-day mandatory quarantine para sa mga returning Overseas Filipino Worker (OFW) ngayong panahon ng coronavirus (Covid-19) pandemic.

Patuloy ang pagdagsa ng mga nagsisipag-uwiang OFWs dahil apektado ang kanilang pamumuhay sa abroad.

Samot-sari ang reaksyon ng mga Pinoy manggagawa ukol dito. Ang ilan ay tutol at ang iba naman ay pabor para sa tuluyang pagpapawalang bisa nito.

Narito ang ilang pahayag ng mga OFW sa Qatar hinggil sa cancellation order ng quarantine para sa mga balikbayan:

Ayon sa balita, ang mga OFW na uuwi ng Pilipinasay hindi na dadaan sa 14-day mandatory quarantine. Ito'y ipinahayag ng Overseas Welfare Administration (OWWA) noong Martes, Mayo 12, 2020.

Dagdag pa ng ahensya, ang lahat ng OFWs na babalik sa bansa ay makakauwi na ng diretso sa kanilang mga pamilya. Subalit, dadaan pa rin sa "rapid Covid-19 testing"at kung magnegatibo ay saka na papayagang makauwi.

Lahat ng mga lalapag na OFW sa mga paliparan ay agad susuriin at didiresto sa mga quarantine facility habang naghihintay ng resulta.

 

 

 

Basahin ang karagdagang impormasyon tungkol sa proseso dapat sundin ng OFWs kapag uuwi ng bansa:

Uuwi ka ba ng Pinas dahil sa pandemic? Narito ang mga dapat mong malaman

"This will take approximately 3-5 days. If tested negative, they are allowed to go home," kinumpirma ng OWWA.

Kung magpositibo naman ang isang OFW ay agad itong dadalhin sa pasilidad kung bsaan sasailalim sa mga pagsusuri at medikasyon.

Nilinaw rin ng OWWA na habang naghihintay ng mga resulta ay sagot ng ahensya ang pagkain at tuluyan ng bawat OFW.

At kapag naman magnegatibo ay sagot ng OWWA ang transportasyon ng bawat isa sa tulong ng Department of Transporation (DOTr).

"OWWA will shoulder costs for mercy flights and vogaes to Visayas and Mindanao," dagdag pa ng ahensya.

Sa mga nagnanais na umuwi ng Pilipinas ngayong kasagsagan ng pandemic, narito ang ilang gabay:

Gusto mo bang umuwi ng Pinas ngayong Covid-19 pandemic? Ito ang iyong dapat gawin

Comments