Bagong Travel Policy sa Pinas: Gabay sa mga Pinoy at OFWs na Magbyabyahe Ngayon

  • 4 years   ago

Nagpatupad ng travel restrictions sa ilang bansa ang Pilipinas bunsod sa mas nakakahawang uri ng coronavirus na unang nadiskubre sa United Kingdom.

Ayon kay Presidential and inter-agency task force on infectious diseases spokesperson Harry Roque, “Any country that has reported the new UK variant will be subject to the temporary ban.”

Kasama na ang United States sa mga bansang sakop ng travel restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat sa bagong variant ng COVID-19, sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Miyerkoles.

Ayon kay Roque, epektibo na ang pagsama sa US sa listahan ng mga lugar na may restricted entry. 

Hindi naman aniya maituturing na travel ban ito, kundi travel restrictions lang dahil pinapayagan pa rin ang pagdating ng mga Pilipino. 

Ang travel restrictions na unang ipinatupad sa United Kingdom, kung saan unang na-detect ang bagong coronavirus variant, at kasunod sa 19 na bansa at teritoryo ay nagbabawal sa mga banyagang makapasok sa bansa hanggang Enero 15, 2021.

Una nang sinabi ni Health Sec Francisco Duque sa isang media forum na isasama pansamantala ang US sa mga may travel restrictions habang pinagaaralan pa ng gobyerno ang bagong variant ng COVID-19.

Nitong araw lang ay ibinalitang may kaso na rin ng bagong coronavirus variant sa Estados Unidos.

Bago mag-December 25, nagkaroon ng travel restriction ang Pilipinas sa mga pasahero mula United Kingdom.

Sa kalaunan, ang mga foreign travelers na galing, o nag-transit, sa mga sumusunod na territories, o nagbiyahe sa mga lugar na ito 14 days bago ang kanilang schedule of arrival sa Pilipinas, effective 12:01 a.m. ng December 30 hanggang January 15, 2021:

• Denmark

• Ireland

• Japan

• Australia

• Israel

• The Netherlands

• Hong Kong, SAR

• Switzerland

• France

• Germany

• Iceland

• Italy

• Lebanon

• Singapore

• Sweden

• South Korea

• South Africa

• Canada

• Spain

Samantala, ipinauubaya na ng Malacañang sa DOH at DFA ang paglalabas ng guidelines hinggil sa pagkakasama sa US sa mga lugar na may restricted entry. 

Ano ang dapat gawin ng mga Filipino na bumabyahe papuntang Pilipinas?

• Ang mga Philippine nationals na nanggaling sa mga nabanggit na lugar "on the specified period" ay dapat kumuha ng RT-PCR test upon arrival, at kailangang mag-quarantine ng 2 weeks.

• Kailangan silang magsubmit ng duly filled-up Health Declaration Form upon deplaning.

• Ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs) ay kailangang mag-fill out ng Project Care Slip.

• Magkakaroon sila ng briefing tungkol sa COVID-19 measures sa pangunguna ng Philippine Coast Guard.

• Pagkatapos ay kailangan nilang ipakita ang QR code nila sa mga verification at barcoding booth sa terminal.

• Bibigyan sila ng 6 barcode stickers, ang isa ay ilalagay sa likod ng kanilang passports.

• Magtutungo sila sa swab test booth para sa kanilang free RT-PCR test, at ibibigay ang remaining 5 barcode stickers sa tester. 

• Pagkatapos i-submit ang Arrival Card at dumaan sa clearing process ng immigration, pupunta na sila sa desks para sa kanilang quarantine hotel assignments:

-Department of Tourism desk for non-OFWs

-Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) desk for land-based OFWs and dependents

-Maritime Industry Authority (MARINA) desk for sea-based OFWs 

• Ang mga dumating na Philippine nationals ay kailangang mag-exit sa terminal at sumakay sa kanilang designated shuttle/bus pagkatapos ng clearing sa Customs Check.

• Kailangang kumpletuhin ang mandatory two-week quarantine at kumuha hng clearance para makauwi. Ang mga non-OFWs ay kailangang mag-arrange ng kanilang transportation.

• Ang mga Land-based OFWS ay kailangang directly makipag-ugnayan sa OWWA o i-access ang OWWA Uwian Na portal sa https://uwianna.owwa.gov.ph para sa kanilang transportation needs.

• Ang mga Sea-based OFWs naman ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang local manning agencies.

Basahin din:

OFWs exempted sa expanded travel ban

Free COVID-19 Test Para sa OFWs at Dependents Mula Dec. 21-31 Hatid ng PAL

 

Source: ABS-CBN

Comments