Pamahahagi ng cash aid sa mga OFW na apektado ng Covid-19 tigil muna: DOLE

  • 4 years   ago

Pansamantalang sinuspindi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang pamamahagi ng ayuda para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Paliwanag ni Secretary Silvestre Bello III, paubos na kasi ang kanilang pondo sa  “Abot Kamay ang Pagtulong” (AKAP) program.

Aniya, kanila lamang naman itong sususpindihin habang hindi pa dumarating ang kanilang hinihiling na karagdagang pondo para sa naturang programa.

Samantala, ang AKAP program ay ang pagkakaloob ng DOLE ng P10,000 o 200 U.S. dollars para sa mga OFWs na naaapektuhan ng COVID-19.

 

 

 

Sa Qatar, ipinahayag ni Ambassador Alan Timbayan na magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda kapag maaprubahan na ang additional fund request ng DOLE sa apila nitong dagdag pondo sa Department of Budget and Management (DBM).

Narito ang kabuuang ulat tungkol dito:

DOLE-AKAP applications pansamantalang ipinatigil, programa naubusan ng pondo

Kung ikaw ay hindi pa nakakapag-aaply ng DOLE-AKAP financial assistance, basahin ang artikulo sa baba upang malaman ang sunod-sunod na hakbang sa pagkuha nito:

Narito ang mga dapat gawin upang makuha ang inyong Covid-19 cash assistance

Source: Dwiz882AM

Comments