Makakauwi ba ng Pilipinas at makakabalik ng Qatar? Alamin dito

  • 4 years   ago

Ano ang proseso sa repatriation?

1. Magfill-out ng form online, sa link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeYOLGrip5lbpikn2sQcbPUSt5bDdNjz24FAUK03EmfsVqlOg/viewform

2. Habang naghihintay ng confirmed schedule niyo sa pag-uwi, siguraduhing mayroon kayong mga documents na required sa pag-uwi tulad ng:

Overseas Employment Certificate (OEC) o Balik Manggagawa form online sa link na ito: www.bmonline.ph.

Passport – Kailangang valid sa loob ng 6 months.

Kapag mag-set ng passport renewal appointment sa Embassy, dalhin ang old passport at siguraduhing may installed Etheraz App. Para makakuha ng booking online, magpunta sa official Facebook page ng Philippine Embassy at hanapin ang “Book Now” na nasa right corner ng page. Kinakailangang magbook ng appointment dito sapagkat hindi tatanggapin ang mga walk-ins na walang online booking reference, gayundin ang Ehteraz app. Kapag no slots available, pindutin lahat ng petsa hanggang makakuha ng next slot like.

Para sa passport delivery, narito ang delivery fees: QAR25 inside Doha and QAR60 if outside Doha. Upang magrequest ng delivery mag-email sa dohape@dfa.gov.ph pagkatapos kumpletuhin ang form na ito: https://drive.google.com/file/d/1KArJU5zC64DYlZQd_1-uj5LIyUSxxQQE/view?fbclid=IwAR1Qv28Lm-cgV9mq-CNfOfKHJCdOXMPhTSZp1hjXI4evkl1oi_mQ9cJOZaI

Para sa passport validity extension o travel document inquiries, tumawag sa 55275123. Hindi na kailangang kumuha ng appointment para sa passport extension. Subalit kailangan paring ipakita ang Etheraz App na may green code (meaning ‘healthy’o hindi apektado ng coronavirus) yupang makapasok ng Embahada. Ang passport extension request ay makukuha sa mismong araw ng application.

Kapag may mga katanungan, tumawag sa: 5530 4772 POLO hotline.

Sa mga nag-apply ng repatriation assistance online, may tatawag na POLO official na magbibigay ng instructions sa pag-uwi mo.

Hindi ako kasama sa repatriation list, may mga dapat pa ba akong asikasuhin na documents sa Embassy o Polo office dahil baka hingan ako ng mga ito sa Immigration?

Tumawag sa 66446303 para malaman ito.

...[ Continue to next page ]

Comments