Makakauwi ba ng Pilipinas at makakabalik ng Qatar? Alamin dito

  • 4 years   ago

Lahat ng pasaherong papasok sa Pilipinas, ay dapat mag-register sa “Electronic Case Investigation Form (e-CIF)” ito ang bagong sistema ng Philippine Red Cross.

Ano ang e-CIF registration?

Ito ang ipapakita niyo sa Philippine Immigration at sa airport bago kayo payagang makapasok ng Pilipinas.

Mas mabuting magregister kayo bago makarating ng Pilipinas to avoid any delays or issues.

Bakit kailangan i-fill-out ang e-CIF?

Ito ay para masigurado na ang sinumang galing sa ibang bansa at papasok sa Pilipinas ay dadaan sa pagsusuri para sa covid-19 upang lalong maagapan ang paglaganap ng nasabing sakit sa ating bansa.

Kailan dapat i- fill-out ang e-CIF?

Ito ay kailangang sagutin bago dumating sa immigration. Tatlong (3) araw bago ang iyong pagdating sa Pilipinas maaari na itong masagutan sa e-cif.redcross.com.ph o e-cif.redcross.org.ph 

Sino-sino ang obligadong mag-fill-out ng e-CIF?

Ang sinumang papasok sa Pilipinas, galing sa ibang bansa ay obligadong i-fill-out ito.

Ano ang mangyayari kung dumating ako ng hindi pa nasasagutan ang e-CIF?

Tatagal at hahaba ang proseso ng immigration para sa iyo. Kakailanganin mo pa rin itong sagutan at isumite online bago ka maaring dumiretso sa immigration.

Mga Dapat Tandaan

1. Siguraduhing hawak ninyo ang inyong passport habang sinasagutan ang mga detalye ng e-CIF form. Siguraduhin na tama ang mga ispeling ng lahat ng detalye upang hindi maantala ang pagpapadala sa inyo ng resulta ng COVID-19 test.

2. Pagdating sa Pilipinas, ang lahat ng pasahero ay sasailalim sa swab test (RT PCR o Rapid Test Polymerase Chain Reaction COVID-19 testing) na isasagawa ng mga nagsanay na mga staff ng Bureau of Quarantine (BOQ).

3 Ang bawat pasaherong kakarating lamang ng Pilipinas ay kinakailangang sumailalim sa kwara Quarantine sa mga pasilidad na authorized ng gobyerno bilang quarantine sites hanggang matangap ninyo ang resulta na kayo ay negatibo sa COVID-19 test. Kayo rin ay obligadong magpalipas ng 14 days na Quarantine sa kanya-kanyang mga bahay.

4 Ang mga pasaherong magpopositibo sa COVID-19 ay dadalhin sa isa sa mga itinalaga ng gobyernong COVID-19 Treatment Facility upang mabigyan ng karampatang atensyon at pag-aalaga.

Ito ang mga gabay para s amga returning Filipinos (applicable para sa lahat, hindi lamang OFWs, kundi pati non-OFWs at lahat ng pupunta sa Pilipinas)

Step 1: Registration - Magregister online sa e-cif.redcross.org.ph. Huwag kalimutang i-upload ang picture ng bio-page ng inyong passport

Step 2: Makakatanggap kayo ng confirmation email at QR Code. Isave sa inyong phone o iprint ang inyong code

Step 3: Pagdating niyo sa airport ng Pilipinas, magkakaroon ng briefing para sa simpleng prosesong pagdaraanan

Step 4: Pumunta sa verification counter at ipakita ang inyong QR code. Kayo ay bibigyan ng anim ba barcode stickers. Idikit ang isa sa inyong passport.

Step 5: Kayo ay papupuntahin sa isang testing booth para ma-swab. Ibigay ang limang natitirang barcode stickers sa swabber, o nagsasagawa ng swabbing para sa inyo.

Step 6: Dumiretso na sa immigration counter at ipakita ang passport pati ang barcode sticker. 

Step 7: Para malaman ang inyong quarantine center assignment, pumunta sa mga sumusunod na desk:

  • Para sa mga OFW – dumiretso sa OWWA
  • Para sa mga Seafarer na may Local Manning Agency – pumunta sa LMA 
  • Para sa mga Non-OFW – pumunta sa DOT o Department of Tourism

Step 8: Ipapadala ang inyong resulta through text message at email sa loob ng 72 hours.

HABANG NASA QUARANTINE FACILITY 

  • Sundin ang medical protocols tulad ng social distancing, self-isolation, at agarang pag-report kung may sintomas ng Covid-19.
  • Idownload ang OWWA Uwian Na application sa Google Play o App Store. Gamitin ito para makapagbigay ng feedback sa OWWA
  • Ifollow- ang OWWA Facebook Quarantine Operations Page para sa mga update at dagdag kaalaaman.
  • Dumulog sa House Parent, PCG Philippine Coast Guard Security Officer, o Hotel Personnel kung may mga problema o concern.
  • May roving doctors, nurses, midwives para sa health monitoring and services. Huwag mahiyang sumangguni sa kanila.
  • Kung nakatanggap na ng negative PCR results, ipagbigay-alam lang po ito sa House Parent, PCG or Hotel Personnel o sa Uwian Na App.
  • Kung nagkaroon ng sintomas ng COvid-19 may staff ang Department of Health at Bureau of Quarantine na susundo para dalhin kayo sa stringent quarantine facility.
  • Kapag naging covid-19 positive, may tauhan po ng BOQ na susundo para ihatid kayo sa positive facility.

TRANSPORT

  • Kapag negative ang result sa PCR test, may OWWA o PCG Philippine Coast Guard Bus na susundo para ihatid kayo sa PITX (para sa mga taga Luzon/NCR) o Ninoy Aquino International Airport NAIA (para sa mga taga Visayas at Mindanao) o sa pier (para sa mga maglalakbay sa barko).
  • Sa PITX, NAIA o Pier, may database check kung nasa talaan ng Covid-19 negative test results. Magregister at hintayin ang pag-alis ng bus, eroplan, o barko. 

HOME REGION/ LOCAL GOVERNMENT UNIT/ LGU/ PROBINSIYA

Pagdating sa home region, maaring magkaroon ng medical screening, testing o quarantine, ayon sa patakaran ng home region o LGU.

Kung kulang sa 14 na araw ang quarantine sa Metro Manila, maaring kumpletuhin ang 14 na araw sa LGU quarantine facility o home quarantine.

Pagbook ng quarantine hotels bago umalis ng Qatar

Nagpalabas ng announcement ang Qatar Civil Aviation Authority (QCAA) regarding sa required quarantine hotels reservations para lamang sa mga passengers na aalis ng Qatar na may return flight. Subalit marami ang nalilito tungkol sa requirements bago ang kanilang departure mula sa Qatar.

Sino ang pwede at hindi pwedeng makaalis ng Qatar without quarantine hotel bookings? Dapat bang mga passengers na may one-way ticket o pauwi lamang like Qatar to the Philipines ay may confirmed hotel booking pabalik?

Hindi, kung one-way ticket lamang papuntang Pilipinas ay hindi na kailangang kumuha ng booked hotel quarantine pabalik ng Qatar.

Kapag ang passengers ay babalik sa Doha after September 15 kailangan pa ba ng quarantine hotel booking?

Sa ngayon ay wala pang confirmation.

Pwede bang magpalit ng hotel reservation date?

Maaaring magbago ang travel dates papuntang Qatar, kaya ang hotel reservations can be changed subject to availability.

Mayroon bang specific documents na kailangan na ipapakita para sa pegboard ng flight pabalik ng  Qatar bukod sa quarantine hotel booking, QID at 

Lahat ng  QID holders na nasa labas ng Qatar ay kailangang maghintay sa authorisation (ito ang link na ibibigay ng Discover Qatar soon). However, QID holders from low-risk countries are only allowed to enter Qatar from 1 August - 15 September, and the list of such countries has not been announced yet. Therefore, QID holders are advised not to book a quarantine package until approval to return to Qatar has been confirmed. Details of the approval process will be published when the eligibility and guidelines are confirmed by the relevant authorities.

Refundablehotel ba ang hotel voucher ?

Hindi, ang voucher mula sa booked hotel sa “Discover Qatar" website ay non-refundable.

 


...[ Continue to next page ]

Comments